Sa nangyayari ngayon sa grupo na aking kinabibilangan tila para kaming nasa isang malaking laro sa perya. Isang laro sa perya na kung saan kami ang mga laruang tau tauhan at ang mga pinuno ang mga mananaya na bumabaril sa mga tau tauhan upang mapanalunan ang mga laruang manika.
Mahirap man isipin ang mga kasabayan at mga nauna sa akin na miyembro ng grupo ay nawala na. Nawala na parang bula ni ha ni ho walang ingay na nagmula sa mga namumuno. Mga kasamahan mula pa nang maliit ang organisasyon. Panahon na kung saan nagtiis sa kung anu ang meron at hindi naghahanap ng wala. Panahon na kung saan kami ay tunay na pamilya.
Sabi nila pamilya ang nais na kultura ngunit san ka nakakita na pamilyang naglilihiman. Pamilyang hinahayaang tangalin ang isang miyembro dahil sa minsang pagkakamali. Pamilya na hindi pinapahalagahan ang miyembro dahil sa madali lamang daw maghanap ng kapalit nito.
Hindi ito ang pamilyang aking nakagisnan. Ang pamilyang aking nakalakihan ay walang lihiman. Isang pamilyang may pagpapahalaga sa bawat miyembro at handing umalalay sa oras ng kagipitan. Pamilyang hindi hinahanapan ng butas ang kamiyembro. Ito ang tunay na pamilya.
Kaya napakahirap isipin na ang pamilyang aking pinakamamahal at pinakaiingatan ay unti unting naglalaho na. Minsan ako ay napapaisip at nagtatanong sino na nga ba ang susunod na mawawala? Sapat na ba ang nawala upang makapasok ang isang malaking isda na hindi subok ang kakayahan sa isang grupo na kulang sa sistema. O kailangan pa nilang kalusin ang iba pa na kasama nila mula pa noong umpisa hanggang sa lumaki ang grupo.
Sa mga kasamahang nawala, pasasaan tayo pa din ang magkikita sa labas…. Dahil baka mamaya ako na pala ang kasunod….
“So I sing this song to all of my age. For these are the questions we've got to face. For in this cycle that we call life. We are the ones who are next in line. We are next in line.”